Aabot sa labing siyam (19) na mga maliliit na armas at mga light weapons ang isinuko ng ilan sa mga residente sa mga coastal areas ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte sa militar.

Ang turnover o ang seremonyas para sa pagsuko ay isinagawa kahapon sa Multipurpose Hall ng Barangay Badak sa nasabing bayan. Pinangunahan ito ni First Marine Brigade Commander BGen. Romulo Quemado II.

Dumalo din dito sina DOS Mayor Datu Lester Sinsuat, mga kinatawan ng 6ID, CMO, OPAPRU, MBLT5, Maguindanao Del Norte PPO at mga Barangay Officials ng nasabing baryo.

Ang nasabing pagsuko ay bunga ng pinaigting na kampanya sa SALW o mga di dokumentadong armas na kalimitang ginagamit upang makapaghasik ng lagim at gulo maging ng karahasan.

Isa rin itong paraan ng mga autoridad upang mabawasam ang bilang ng mga loose o unlicensed firearms na nasa sirkulasyon pa o itinatago ng mga masasamang loob.

Photo Credits to Kutangbato News