Tatlong katao ang sugatan matapos na magkasalpukan ang isang pickup at dumptruck ngayong umaga sa Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.

Base sa imbestigasyon, nabatid na galing sa lungsod ng Cotabato ang pick-up samantalang galing naman ng Dalican ang dump truck ng pasapit ito sa National Highway ng Barangay Bitu ay dito na nagkasalpukan ang dalawa.

Dahil sa lakas ng impact, wasak ang unang bahagi ng pickup samantalang tumagilid naman ang dumptruck.

Himalang walang nasawi sa naturang insidente ngunit inaalam pa ng mga autoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.

Samantala, panibagong aksidente na naman na sangkot ang isang mini truck at motor ang naitala sa libro ng kapulisan ngayong araw sa Barangay Lower Cabaruyan sa Libungan, North Cotabato.

Tigmak ng dugo ang pinangyarihan ng banggaan at wasak naman ang harap na bahagi ng wagon habang napiping lata naman ang motorsiklo.

Sa salaysay ng mga nakakita, mga estudyante ng Nicaan High School diumano ang sakay at ang backride ng motor.

Nasa ligtas naman nang kalagayan ang dalawang sakay ng motor na isinugod sa bahay pagamutan matapos ang insidente.