Patay ang isang miyembro ng BPAT habang dalawa namang kasama nito ang sugatan sa naganap na pamamaril sa kanila kahapon ng hapon sa Barangay Poblacion Mother, bayan ng Shariff Aguak sa Maguindanao del Sur.

Kinilala ang nasawing BPAT member na si Rasid Kamid.

Sa initial report, on duty ang tatlong BPAT ng lapitan ito ng suspek na nakasakay sa di nabatid na motor at pinagbabaril ito.

Mariin namang kinundena ng pamahalaang lokal ng Shariff Aguak ang naganap na pamamaril at sa ngayon ay sinusuri nila ang mga kopya ng CCTV sa mga kalapit na establisyemento kung malinaw na nakunan ang suspek.

Patuloy naman ang pag-iimbestiga ng mga autoridad sa nasabing pamamaslang.