Bagamat may mga kinakaharap pa ring mga hamon ang Iranun Corridor sa lalawigan ng Maguindanao del Norte, slowly but surely na itong nababawasan dahil sa pagsusumikap ng mga ilang lokal na pinuno.

Sa panayam kay Tabang Ako Siyap Ka Bangsa Iranun Sayako Kalilintad Ago Ka Pamagayon Inc o TASBIKKA Executive Director Mohammad Kahlil Abas, sinabi nito na malaki ang ambag ng mga lokal na pamahalaan maging ang pulisya at miltar kasama na ang mga elders sa pagpapatupad ng mga panuntunan at mga programa upang masugpo ang problema sa loose firearms at iligal na droga sa lugar.

Aniya, ang mga lokal na lideres ng Iranun Reconciliation Council na ang namamagitan upang masugpo ang iligal na droga, baril, rido at mga away ng angkan.

Ang TASBIKKA ay isang NGO na nagtatrabaho sa mga kumunidad ng Bangsamoro tungo sa pagkamit ng kapayapaan at kaayusan partikular na sa mga Iranun Towns na binubuo ng Sultan Mastura, Buldon, Matanog, Parang at Barira na ang lahat ay nasa lalawigan ng Maguindanao del Norte.