Arestado at hindi na nakapalag paang isang lalaki na hindi pinangalanan sa ikinasang buybust operation ng Datu Paglas PNP katuwang ang PDEA BARMM kontra iligal na droga sa Purok Bago Katil, Datu Paglas, Maguindanao del Sur.

Nakuha sa naturang suspek ang 1.075 na gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng 7,300 pesos . Bukod sa ipinagbabawal na gamot, nakuha rin sa suspek ang isang Homemade Uzi, isang Colt 9MM MK IV series, mga bala ng baril at isang motorsiklo na hinihinalang ginagamit sa mga transaksyon.

Mahaharap sa patong patong na kaso sa RA 9165 para sa droga at RA 10591 para naman sa mga armas ang suspek. Nasa kustodiya na ng Datu Paglas PNP ang nasabing suspetsado.