Sa kabila ng patuloy na pagsirit ng presyo ng bilihin, isang katiting na bawas sa presyo ng petrolyo ang ipinatupad ngayong araw—isang kakarampot na ginhawa para sa mga motorista.
Eksaktong alas-6 ng umaga kanina, sabay-sabay na bumaba ng P0.10 kada litro ang presyo ng gasolina at diesel, habang P0.30 naman ang ibinawas sa kerosene.
Ngunit sapat ba ito upang maibsan ang bigat na pasan ng mga Pilipino?
Ayon sa Department of Energy, ang bahagyang galaw sa presyo ay bunga ng tumataas na demand ng langis sa China at India, pati na rin ang epekto ng dagdag na taripa ni US President Donald Trump sa ilang bansa.
Sa kabila nito, marami ang nananatiling umaasa sa mas makabuluhang rollback na tunay na mararamdaman ng bayan.