Pumanaw na ngayong gabi ang premyadong aktres, mang-aawit, film producer, at National Artist for Film and Broadcast Arts noong 2022 na si Nora Cabaltera Villamayor o mas kilala ng sambayanan bilang Nora Aunor, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang anak na si Ian Christopher De Leon.‎‎

Si Ate Guy, na tubong Iriga City, Camarines Sur, ay naging tanyag sa larangan ng pelikula dahil sa kanyang makapangyarihang pagganap sa mga klasikong obra gaya ng Himala, Bona, at Thy Womb. ‎‎

Dahil sa kanyang walang kapantay na kontribusyon sa industriya ng pelikula at sining, tinagurian siyang Grand Dame of Philippine Cinema.‎‎

Sa edad na 71, namaalam si Ate Guy ngunit hindi kailanman malilimutan ng bayan ang kanyang inambag sa kultura at kasaysayan ng pelikulang Pilipino.‎‎

Nagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay ang buong Bombo Radyo at sambayanang Pilipino sa mga naulila at tagahanga ng isang tunay na pambansang yaman sa sining—Nora Aunor.