Aabot na sa kabuuang 120,600 na pamilya na may tinatayang 601,300 na indibidual sa 413 na mga kabarangayan sa rehiyon ng Bangsamoro ang naapektuhan ng landslides at baha nitong mga nakaraang araw.
Sa panayam kay Bangsamoro READi Emergency Operations Division Chief Jofel Delicana, bayan ng Pagalungan sa Maguindanao del Sur ang may pinakamaraming naapektuhang mga mamamayan na aabot sa 11,395 at pangalawa naman ang Ligawasan sa SGA BARMM na nasa 10,700 naman ang mga pininsalang pamilya.
Walo ang nasawi, 23 sugatan at ang 19 dito ay mula naman sa bayan ng Matanog.
Sinabi naman ni BARMM READi Chief Atty. Hamad Abas na 510 naman na mga bahay ang nasira sa baha at mga flashfloods habang tatlong mga school buildings naman ang sinira sa Matanog at Barira.
148M naman ang naiulat na inisyal na danyos o perwisyo ng naturang pagbaha sa mga sakahan at apektado ang halos sampung libo na mga magsasaka at mangingisda sa naturang kalamidad.