Pormal nang naging isang tropical depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA 07g) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at pinangalanang Bagyong Dante, ayon sa huling ulat ng PAGASA kaninang alas-2 ng hapon.

Bukod kay Dante, may dalawa pang LPA ang kasalukuyang mino-monitor. Isa rito ang LPA 07h na nasa loob pa rin ng PAR at may katamtamang tsansa na maging bagyo sa susunod na 24 oras.

Samantala, isa pang LPA (07i) ang nasa labas pa ng PAR ngunit patuloy ring binabantayan ng ahensya dahil sa medium potential nito na maging tropical depression din sa loob ng parehong panahon.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga susunod na abiso ng DOST-PAGASA para sa mga posibleng pagbabago sa lagay ng panahon.