Dahil sa nangyaring malawakang pagbaha sa Maguindanao nitong nakaraang linggo dulot ng Inter Tropical Convergence Zone o ITCZ, libo-libong pamilya ang nagsilikas upang sa mga evacuation center ng lalawigan.
Sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte partikular sa Datu Arnel Datukon National High School sa Barangay ng Taviran mayroong kakasilang na sanggol ang nasawi sa mismong paaralan na ginawang evacuation center ng lugar matapos na mangitim at kalaunan ay tumigil na sa paghinga.
Napag-alaman na ang mga bakwit ay galing sa Barangay Butilen, Kabuntalan, Maguindanao del Norte, at abot sa (14) Labing-Apat na mga pamilya ang kasalukuyang nakatuloy sa nabanggit na eskwelahan.
Sa dagdag na impormasyon, nasa (6) Anim na araw palang matapos na maisilang ang sanggol at agad itong naputulan ng hininga.
Nagpapatuloy naman na nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa pamilya ng sanggol upang mabigyan ng kaukulang aksyon.
Nanawagan naman ng tulong ang kamag-anak ng paslit na namatay na kung sinong may mabubuting puso ay makipag-ugnayan kay Nhor Mina at direktang e-kontak ang kaniyang nomero: 0953-657-3368.