Nagbalik loob sa pamahalaan ang apat na local terrorist group members dala dala ang kanilang mga sandata sa Barangay Salbu, bayan ng Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao Sur nitong Sabado.

Sa ulat ni Lt. Col. Christian Cabading na Battalion Commander ng 92nd IB, dala ng apat na nagbalik loob ang kanilang armas pandigma na kinabibilangan ng isang M14 rifle, M16 rifle, SAS12 shotgun at Barrett Rifle sa himpilan ng 92IB, 1BCT.

Nakipagugnayan naman ang 92IB sa pamahalaang panlalaeigan ng Maguindanao Sur at sa Bangsamoro Government upang makatanggap ng ayuda at mareporma ang mga nagbalik loob.

Ikinagalak naman ni Maj. Gen. Antonio Nafarrete na syang Division Commander ng 6ID ar JTF Central ang desisyong ito ng mga nagbalik loob.

Nagpasalamat ito sa ginawang pagtalikod ng mga ito sa kanilang grupo at gawaing pangterorismo.

Malaki rin anya ang magagawa ng pagsuko ng mga ito sa kanilang pamilya at makakamit nito ang payapa at ligtas na pamumuhay maging pamayanan.