Pagkakaisa, pagpapatawad at pagkakasundo. Ito ang mariing ipinananawagan sa lahat ng Bangsamoro ni Presidential Peace Adviser at Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity Secretary Mel Senen Sarmiento kasunod ng naging matagumpay at makasaysayan na 2026 BARMM parliamentary elections.

Sa pahayag nito matapos na personal nitong saksihan ang mga proklamasyon sa Maguindanao del Norte kahapon, sinabi nito na bagamat may mga panalo at talo sa halalan, iginiit nito na walang dapat na matalo sa pagpapatuloy ng pagukit ng kinabukasan ng bawat Bangsamoro .

Pagbibigay diin din nito, panahon na aniya upang isantabi ang mga namuong dibisyon at samaan ng loob dulot ng pulitika at sama sama nang itaguyod ang nagkakaisa, mapayapa at maunlad na rehiyon ng Bangsamoro.

Ayon sa kalihim ng OPAPRU, patuloy na kikilos at makikipagtulungan ang ahensya sa lahat, anuman ang kulay, partido at paniniwala ng bawat isa upang mapangalagaan ang mga nakamit na gana ng prosesong pangkapayapaan at maisulong ang kapayapaan at pagunlad sa BARMM region.