Arestado ang isang lalaki sa Cotabato City kahapon Pebrero 24, 2026, dahil sa paglabag sa Section 10(a) ng RA 7610, batas na nagpoprotekta sa mga bata laban sa pang-aabuso at eksploitasyon.

Isinagawa ng Station’s Tracker Team sa pangunguna ni PMAJ Teofisto R. Ferrer Jr., kasama ang CIU-CCPO sa pamumuno ni PMAJ Elexon Bona, ang Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 14, na walang recommended bail dahil sa “jump bail.”

Ipinaliwanag sa suspek ang kanyang Miranda Rights at ang Anti-Torture Act sa wikang nauunawaan niya. Kasalukuyan na siyang nakapiit habang isinasagawa ang tamang dokumentasyon at legal na aksyon.