Pinasinayaan nitong Sabado, Abril 26, 2025, ang ilang bagong proyekto ng Ministry of Transportation and Communications-BARMM sa Jolo, Sulu.
Pinangunahan nina Sulu Gov. Hadji Abdusakur Tan, Sr. at MOTC Minister Paisalin Pangandaman Tago ang pagbubukas ng bagong administrative building sa Jolo Airport, mga solar lights sa paligid nito, at bagong staff house at warehouse sa pier ng Jolo.
Suportado ang mga proyekto ng lokal na pamahalaan ng Jolo at ng Bangsamoro regional government.
Pinasalamatan ni Minister Tago si Gov. Tan sa tuloy-tuloy na suporta sa operasyon ng paliparan at daungan.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa militar, pulisya, Coast Guard, Air Force, at Bureau of Fire Protection.