Patuloy ang paglakas ng bagyong Tino habang ito ay kumikilos pa-kanluran timog-kanluran sa bahagi ng Philippine Sea, batay sa pinakahuling bulletin ng PAGASA.

Sa datos na inilabas alas-3 ng madaling-araw ngayong araw, tinatayang namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Tino (Kalmaegi) sa layong 440 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar. Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso ng hangin na hanggang 135 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Samantala, ang BARMM Region ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may posibilidad ng mga pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog bunsod ng localized thunderstorms.

Pinag-iingat ang publiko sa banta ng flash floods at landslides lalo na sa mga mababang lugar at matataas na bahagi ng rehiyon sa panahon ng malalakas na pag-ulan.