Dumating na sa Cotabato City ang mga official ballots na gagamitin sa Bangsamoro Parliamentary Elections o BPE sa Setyembre 14, 2026.

Ang mga balota ay nakalaan para sa iba’t ibang polling centers sa lungsod at pormal nang tinanggap ng Office of the City Treasurer.

Matapos itong matanggap, inilagak muna ang mga election materials sa nasabing tanggapan habang hinihintay ang nakatakdang distribution sa mga polling centers.

Mayroon ding kaukulang labels ang mga balota para matukoy kung saang polling center nakalaan ang bawat election material.

Patuloy naman ang koordinasyon ng mga kinauukulang tanggapan para matiyak ang seguridad, tamang accounting at maayos na pangangalaga sa mga balota hanggang sa araw ng halalan.