Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa rin matukoy na salarin sa Sitio Abdila, Barangay Adaon, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur kahapon araw ng Huwebes.
Batay sa ulat ng pulisya, natagpuan ang biktima na wala nang buhay at nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nakasuot lamang ito ng kulay brown na shorts at walang pang-itaas na damit nang madiskubre sa lugar ng insidente.
Sa paunang imbestigasyon, nakarekober ang mga awtoridad ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu sa tabi ng biktima.
Patuloy pang tinutukoy ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng nasawi at ang posibleng motibo sa krimen.

















