Naglabas ng FATWA ang tanggapan ng Bangsamoro Darul Ifta o BDI na nagdedeklara sa paggamit ng TABAKO at lahat ng uri ng SIGARILYO maging ang modernong VAPE bilang isang HARAM o ipinagbabawal na gawin ng isang Islam.

Sa paliwanag ng BDI, ang madalas o araw araw na paggamit ng sigarilyo ay nagdudulot ng napakatinding pinsala sa kalusugan, pag-aaksaya ng pananalapi at nakakapinsala din sa kapwa at maging sa inang kalikasan.

Salig din sa mga prinsipyong pinaninindiganan ng Islam at batay na rin sa mga ebidensyang medikal, iginiit ng institusyon na ang mga ganitong uri ng tabako at vape ay kabilang sa al-khabā’ith o mga bagay na nakakasasama o marumi.

Sa huli, hinimok naman ng institusyon ang mga Muslim sa Bangsamoro at sa ibat ibang panig ng bansa na iwasan at lumubay na sa paggamit nito bilang tanda ng pagrespeto at pagpapahalaga sa mga biyayang pinagkatiwala sa atin ni Allah (swt), ang buhay at ang kalusugan.