Sa eksklusibong panayam ng Start FM Cotabato kay CCPO Police Colonel Bongcayao, kinumpirma nito na may kasalukuyang nagaganap na pagtitipon sa Camp Darapan.

Ayon kay PCol Bongcayao, nakaantabay pa rin ang mga kapulisan sa loob at labas ng BGC Compound upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa lugar. Dagdag pa niya, mananatili ang deployment ng mga pulis hanggang mamayang hapon bilang bahagi ng kanilang pagpapanatili ng kapayapaan at pagtiyak na magiging maayos at mapayapa ang sitwasyon.

Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang mga kaganapan sa lugar upang agad na matugunan ang anumang posibleng insidente at mapanatili ang kaligtasan ng publiko.