Binigyang-diin ni MILF Chairman at UBJP President Al Haj Murad Ebrahim sa ginanap na Oath-taking ceremony of the newly elected UBJP members of the parliament ang pangangailangang unahin ang kapakanan ng mamamayang Bangsamoro kaysa sa pansarili, pampamilya, pangkatin, at partidistang interes sa pagganap ng tungkulin sa pamahalaan.

Sa kanyang pahayag, nanawagan sa mga lingkod-bayan na panatilihin ang pagkakaisa sa kabila ng mga pagkakaiba sa politika at huwag hayaang manaig ang pansariling interes at paghahangad ng pagkilala sa halip na ang kolektibong layunin para sa Bangsamoro.

Binigyang-diin din ni MILF Chair, ang kahalagahan ng katarungan at pagkakaroon ng pamahalaang nakauunawa sa mga pinagdaraanan ng mamamayan, gayundin ang paggamit ng awtonomiya upang makabuo ng lipunang nagbibigay ng dignidad, pagkakapantay-pantay, at oportunidad para sa lahat.

Dapat magsilbing gabay ang kapakanan ng mamamayan sa bawat desisyon, pagbuo ng batas, pagpapatupad ng programa, at paggastos ng pondo ng pamahalaan.

Dagdag pa rito, hinimok ang mga lingkod-bayan na muling suriin ang mga desisyong nakikinabang lamang ang iilan, gayundin ang mga patakarang inuuna ang pansariling interes sa halip na ang kapakanan ng nakararami.

Binigyang-diin na ang tiwala at mandatong ipinagkaloob ng mamamayan ay dapat gamitin para sa kapakanan ng buong Bangsamoro, hindi para sa interes ng iilan.