Nagpaabot ng pagbati si BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua sa lalawigan ng South Cotabato sa pagdiriwang ng ika-60 Founding Anniversary nito at ika-27 T’nalak Festival.

Ayon kay ICM Macacua, ang selebrasyon ay paalala na ang pagkakaiba-iba ng mga komunidad ay hindi hadlang kundi isang lakas na nagbibigay-daan upang sama-samang umunlad sa pamamagitan ng paggalang sa isa’t isa at pagkakaroon ng iisang layunin para sa kaunlaran.

Samantala patuloy nitong pangako na palakasin ang ugnayan at pakikipagtulungan sa lalawigan ng South Cotabato upang maisulong ang kapayapaan, mapalawak ang mga oportunidad, at makabuo ng mas magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.