Pumangalawa ang Bangsamoro Region sa Metro Manila/NCR na nangunguna sa may pinakamaraming ‘uncleared’ sa iligal na droga sa bansa.
Sa pinakahuling ulat ng PDEA-BARMM, umabot sa 32 na kilo na ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P200,000.00 ang nakumpiska nila mula Enero hanggang sa kasalukuyan.
Patotoo lamang ito na mayroon pa ring nakakapuslit na iligal na droga at mga ipinagbabawal na epektos sa rehiyon.
Ang nakikitang solusyon aniya ng ahensya ang pagpapaigting sa pagtugis ng mga durugista sa lebel ng mga baryo at pakikipagtulungan ng mga ahensyang sangkot sa pagsawata dito gaya ng MILG, PNP at AFP.
Samantala, sa naging pahayag ni Agent Jo Mary ang ibig sabihin ng drug affectation ay ang mga barangay na apektado o di pa klarado sa PDEA ang kanilang lugar.
Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cotabato kay PDEA BARMM Info Officer Agent Jo Mary, hindi naman porket drug affectation na ang ginamit na termino ay sumusukat na ito sa dami ng droga sa isang rehiyon.
Ginagamit ang naturang termino bilang panukat sa mga barangay na di pa nakakapagsumite ng kanilang pagiging drug cleared sa LGU maging sa ahensya.
Nakikitang solusyon aniya ng ahensya sa bagay na ito ay ang masinsin na pagtugis sa mga durugista sa lebel ng barangay at ang pakikipagtulungan ng mga ahensyang sangkot sa pagpapanagot dito tulad ng pulisya, militar at MILG maging ang mga LGU’s.
Ang pagtutuwid ay isinagawa ng ahensya kasabay ng mga lumabas na balita na TOP 2 ang rehiyon sa may pinakamaraming droga sa buong bansa.