Nakipagpulong ang Bangsamoro Board of Investments (BBOI) sa isang delegasyon ng mga medical professionals mula Malaysia sa pakikipagtulungan ng Cotabato Regional and Medical Center, upang talakayin ang posibleng kolaborasyon at pamumuhunan sa sektor ng kalusugan sa Bangsamoro region.

Pinangunahan ang delegasyon ni Datuk Dr. Mahathar Abd Wahab, kasama si Prof. Dr. Shaik Farid Bin Abdull Wahab.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga oportunidad sa pagpapaunlad ng medical infrastructure, pagpapalawak ng specialized health services, capacity building, at mga posibleng pamumuhunan na layuning mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa rehiyon.

Ayon sa BBOI, ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap na buksan ang Bangsamoro bilang isang potensyal na destinasyon para sa healthcare investments, kasabay ng layuning mapalawak ang access sa dekalidad na serbisyong medikal.

Sa pamamagitan ng internasyonal na kolaborasyon, inaasahang mas mapapalakas pa ang innovation, partnership, at inclusive development sa sektor ng kalusugan sa Bangsamoro.