Tinalakay ng mga miyembro ng parliyamento na nahalal sa ilalim ng BFP-led coalition government ang mga panukalang batas na bibigyang-prayoridad sa pagbubukas ng unang regular na Bangsamoro Parliament.
Ito ang naging pokus ng ikatlong araw ng kanilang strategic planning workshop kahapon Oktubre 16, 2026.
Layunin ng talakayan na makabuo ng malinaw na legislative agenda na tutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan at magpapatibay sa pundasyon ng bagong Pamahalaang Bangsamoro.
Ayon sa BFP, isinusulong nito ang mga panukalang batas na nakatuon sa mga reporma at pagbabagong inaasahang mararamdaman ng mga mamamayan sa Bangsamoro.

















