Wala pang pinal na pagpapasya ang Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board o BLTFRB sa panukalang magtataas ng singil sa pasahe o fare adjustment sa public transport ng rehiyon habang patuloy ang mga ito sa pagsusuri sa magiging epekto nito sa mga komyuter at transport operators.
Sa isinagawang pampublikong konsultasyon ng BLTFRB na sangay ng MOTC-BARMM, naging sentro ng pagtalakay ang pagtaas ng operational costs , pagbabago sa presyo sa merkado maging ang kabuuan at pinakaepekto ng fare adjustment sa mga mananakay.
Paliwanag ni BLTFRB Director 1 Jobayra Tandalong, ang pangangailangan sa pagrepaso sa kasalukuyang pamasahe ay bumabatay din sa nagbabagong economic state o kalagayang ekonomikal.
Kasama din sa nagbigay ng insights ang representante nf BPDA o Bangsamoro Planning and Development Authority na si Daren Espanola maging ang iba pang mga naanyayahang ahensya ng rehiyon.
Kasama din sa mga dumalo ang LGU representatives, mga kinatawan mula sa akademiko, senior citizens, mga kooperatiba sa transportasyon at ibat ibang mga sektor na nagbigay ng kanilang mungkahi at suhestiyon sa usapin.
Patuloy naman sa magiging pagsusuri ang BLTFRB sa mga nakalap na suhestiyon, reaksyon at rekumendasyon bago maglabas ng pinal na desisyon sa nasabing usapin ng Fare Adjustment.

















