Wala aniyang katotohanan ang inihayag na pasabog ni Atty. Bong Montesa na lumaki ang pondo para sa kasalukuyang taon ng opisina o tanggapan ni Bangsamoro Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.

Ayon kay BTA Parliament Committee Chair on Finance, Budget and Management Atty. Kitem Kadatuan, Jr sa naging pulong balitaan nito sa kanyang opisina inihayag nito na nakalulungkot ang ginawang pahayag ni Atty. Montesa nitong biyernes na kontrol umano ng Chief Minister ang badyet ng Bangsamoro.

Hindi rin aniya totoo na napunta sa OCM ang 47 bilyong pondo at tanging 4,960,489,111 lamang ang pondo nito para sa taong 2026 at ang kabuuan ng 47 na bilyon ay para na sa ibat ibang mga ministeryo sa rehiyon.

Pinakamalaki na aniya ayon kay Kadatuan ang pondo ngayong taon ng MBHTE na may higit na 32 bilyong piso, mas higit na malaki kumpara sa OCM.

Sa isyu ng mga ministeryo na binawasan umano ng pondo at ipinark sa OCM ang mga binawas na pondo, ayon kay Kadatuan ay wala aniya itong katotohanan at hindi ito nakapark dahil hindi umano ito regular fund ng OCM.

Kaya lamang umano nagkaroon ng pagbabawas ng pondo sa mga nasabing ahensya ay dahil sa mga depekto na nakita sa kanilang paggasta ng pondo at inilalagay ang nasabing binawas na pondo sa hindi magagalaw na pondo.