Tiniyak ni Bangsamoro Parliament Speaker Mohammad S. Yacob sa dating mga tauhan ni late Speaker Atty. Ali Pangalian Balindong na walang sinuman sa kanila ang matatanggal.
Aniya, ang pangunahing layunin ay mailagay ang tamang tao sa tamang posisyon sa kanyang team. “Magkaiba ang kaibigan at pinagkakatiwalaan. Ang trusted at competent na tauhan ang dapat mapuwesto sa tamang lugar,” paliwanag ni Speaker Yacob.
Dagdag pa niya, maaaring magkaroon ng pag-aayos o shuffling ng mga posisyon upang masiguro ang alignment at epektibong pamamahala, subalit malinaw niyang binigyang-diin: “But definitely no one will be terminated.”
Ayon sa kanya, ang pahayag na ito ay nagpapakita ng kanyang adbokasiya sa tiwala at kakayahan sa pagpili ng kanyang staff, at ng hangarin niyang mapanatili ang maayos at stable na pamunuan.

















