Inilahad ni Bangsamoro Youth Commission o BYC Chairperson Nasserudin D. Dunding ang 7th State of the Bangsamoro Youth Address o SOBYA ngayong Agosto 12, 2026.

Sa kanyang talumpati, tinalakay ni Dunding ang mga naging accomplishment ng komisyon sa policy-making, pakikipagtulungan sa mga ministeryo ng BARMM, at mga programang naglalayong palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa pamamahala at pagdedesisyon.

Binigyang-diin din sa kanyang mensahe ang mga realidad, hangarin at ambag ng mga kabataang Bangsamoro mula sa iba’t ibang komunidad.

Ayon sa BYC, mahalaga ang papel ng kabataan bilang aktibong katuwang sa pagsusulong ng isang mas inklusibo, responsive at youth-centered na Bangsamoro.

Dinaluhan ang 7th SOBYA ng mga youth leader, opisyal ng BARMM, mga kinatawan ng local government units, development partners at iba pang stakeholders.

Bahagi rin ang aktibidad ng pagtatapos ng paggunita ng Bangsamoro Government sa Linggo ng Kabataan 2026 at International Youth Day 2026 na may temang “Different Contexts, Common Aspirations.”