Isinagawa ang Ceremonial Turnover of Surrendered Loose Firearms sa Municipal Covered Court sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ngayong araw Pebrero 24, 2026.
Pinangunahan ang aktibidad nina Maungangen Mayor Abdulmain Abas at Vice Mayor Bobsteel Sinsuat. Dumalo rin sina Committee on Peace and Order Chairman Councilor Sorab Ambolodto Lumanggal, Officer-in-Charge ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station PMAJ Katherin B. Paydoen, at Maguindanao del Norte Police Provincial Director PCol George Bagundol Jr.
Ang mga isinukong armas ay nagmula sa mga barangay ng Baka, Taviran, Badak, Linek, Mompong, Sapalan, Niketan, Labungan, Tinonggos, Tambak, Dulangan, Kusiong, Kakar, Benolen, Capiton, at Tamontaka.
Ito ang ikalawang batch ng mga barangay na nagsumite ng surrendered firearms ngayong taon, kasunod ng unang turnover na isinagawa noong Enero.
Ayon sa mga opisyal, ang aktibidad ay bahagi ng pagpapatupad ng Balik-Baril Program na layong tugunan ang isyu ng loose firearms sa lugar. Ang programa ay isinasagawa sa koordinasyon ng lokal na pamahalaan at ng pambansang kapulisan.

















