Pinulong ngayong Setyembre 2, 2025 ng Commission on Elections (COMELEC) – Maguindanao del Sur ang mga opisyal ng pamahalaan, seguridad, at iba pang ahensya para sa unang pagpupulong ng Provincial Joint Security Control Center (PJSCC), bilang bahagi ng paghahanda sa Bangsamoro Parliamentary Elections na nakatakdang ganapin sa Oktubre 13, 2025.
Ang pagpupulong ay pinamunuan ni Atty. Allan C. Kadon, Provincial Election Supervisor ng COMELEC Maguindanao del Sur, at isinagawa sa Mango Grove, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.
Dumalo sa nasabing pulong sina Gobernador Datu Hadji Ali Midtimbang ng Maguindanao del Sur; Alma M. Abdula-Nor, PhD, School Election Supervisor; PCOL Sultan Salman Sapal, Provincial Director ng Maguindanao del Sur PPO; BGen Edgar L. Catu, Commander ng 601st Brigade; BGen Omar V. Orozco, Commander ng 1st Mechanized Brigade; at BGen Ricky P. Bunayog, Commander ng 602nd Brigade, 6ID. Kabilang din sa mga nakibahagi ang iba pang mga Chief of Police sa probinsya, pati na rin ang mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP) at Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) – BARMM.
Layunin ng pagpupulong na palakasin ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya upang matiyak ang ligtas, mapayapa, at maayos na halalan. Tinalakay dito ang mga isyung pangseguridad, mga update mula sa COMELEC, at mga estratehiyang ipatutupad para sa maayos na pagdaraos ng halalan sa probinsya.