Pinalakas ng security forces at COMELEC ang koordinasyon para sa ligtas at mapayapang First BARMM Parliamentary Elections o First BPE 2026.
Isinagawa ang Coordinating Conference at Provincial Joint Security Control Center Meeting ng COMELEC kahapon Agosto 19 sa Alnor Hotel, Cotabato City.
Dumalo rito si Brigadier General Gremel Brual ng 601st Infantry Brigade, kasama ang mga kinatawan ng COMELEC, Philippine Army, PNP, lokal na pamahalaan at iba pang security stakeholders.
Tinalakay sa pulong ang mga updates, isyu at concerns kaugnay ng seguridad sa nalalapit na halalan.
Tiniyak naman ng 601st Brigade ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa COMELEC at iba pang ahensya upang matiyak ang ligtas, maayos, at mapayapang pagsasagawa ng unang parliamentary elections sa BARMM.
Layunin ng mga ahensya na sa pamamagitan ng koordinasyon at pagtutulungan, magiging ligtas at mapagkakatiwalaan ang halalan para sa mga botante ng BARMM.

















