Inihayag ng COMELEC o Commission on Elections na ititigil muna nito ang pagpapaimprenta ng mga balota para sa dapat ay magiging kaunaunahang Bangsamoro Parliamentary Elections.

Ayon sa panayam kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, ang kasalukuyang paglilimbag ng mga balota ay sakop lamang ang mga gagamitin para sa regular na halalan ngayong Mayo 2025.

Ayon pa kay Garcia, kaya nila ipinatigil ang pag-iimprenta dahil baka mangyari ang worst case scenario na magback to zero muli ang printing process dahil may nakabinbin na redistricting na resulta ng reapportionment ng mga pwesto na dapat ay para sa lalawigan ng Sulu.

Ang halalan sa rehiyon na dapat ay gagawin sa Mayo 12, 2025 ay orihinal na iminungkahing ilipat sa Agosto 11, 2025.

Nitong nakaraang Martes naman, inaprubahan sa maluwang na kapulungan ng senado sa ikalawa na pagbasa ang isa pang panukala na naglalayong ilipat ang First BPE sa Oktubre ng kasalukuyang taon.