Lumahok ang Maguindanao del Sur Police Provincial Office (MDS PPO) sa dalawang araw na Post-Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) Assessment Workshop ng Commission on Elections (COMELEC) na nagsimula kahapon Oktubre 20 hanggang ngayong araw ng miyerkules 2026.

Tinalakay sa workshop ang naging pagpapatupad ng seguridad sa katatapos na halalan sa Bangsamoro, kabilang ang deployment ng mga tauhan, koordinasyon sa COMELEC, at pagpapanatili ng kaayusan sa mga lugar na itinuturing na kritikal.

Sinuri rin ang mga naging hamon sa operasyon, gaya ng kakulangan sa transportasyon, suliranin sa komunikasyon sa mga liblib na munisipalidad, at pangangailangan sa mas maayos na contingency planning sa mga lugar na may mataas na panganib.

Layunin ng pagtatasa na matukoy ang mga natutunan sa halalan at makabuo ng mga rekomendasyon upang mapahusay ang paghahanda, koordinasyon, at pagtugon ng mga awtoridad sa mga susunod na halalan.