Opisyal nang kinilala ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang mga nangunang delegasyon sa katatapos na BARMMAA Meet 2026, kung saan ipinakita ang husay at galing ng mga batang atleta mula sa iba’t ibang panig ng Bangsamoro region.
Itinanghal na Overall Champion ang Cotabato City Division matapos makapagtala ng kabuuang 116 gold, 72 silver, at 51 bronze medals.
Nakuha naman ng Maguindanao del Norte Division ang 1st Runner-Up na may 71 gold, 64 silver, at 61 bronze medals, habang 2nd Runner-Up ang Maguindanao del Sur Division na may 58 gold, 66 silver, at 81 bronze medals.
Samantala, pumangatlo bilang 3rd Runner-Up ang Tawi-Tawi Division na may 33 gold, 20 silver, at 8 bronze medals.
Ayon sa MBHTE, ang tagumpay na ito ay sumasalamin hindi lamang sa husay sa larangan ng palakasan, kundi pati na rin sa disiplina, pagkakaisa, at di matatawarang determinasyon ng mga learner-athletes sa rehiyon.

















