Ipinagmalaki ng Cotabato City Police Office na walang naitalang aksidente o insidente sa kalsada sa buong panahon ng Boss Ironman Challenge ngayong 2026.
Ayon sa ulat ng CCPO, ang matagumpay na seguridad at traffic management ay bunga ng maayos na koordinasyon ng kanilang personnel, traffic units, at mga katuwang na ahensya.
Partikular na pinuri ng CCPO ang suporta ng Local Government ng Cotabato City sa pagpapatupad ng ligtas na daloy ng trapiko para sa mga atleta, motorista, at publiko.
Maituturing na maayos at organisado ang takbo ng kalsada dahil sa pinaghusayang presensya ng pulisya mula simula hanggang matapos ang aktibidad.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang CCPO sa publiko sa pakikiisa at disiplina, gayundin sa lahat ng kawani sa ground operation na nagbigay daan sa matagumpay na kaganapan.
Aniya, ang tagumpay na ito ay patunay ng kanilang adbokasiya sa “Safe roads, Secure events, One CCPO.”

















