Dumating na sa Brgy. Kamasi, Ampatuan, Maguindanao del Sur ang karagdagang tropa ng Philippine Army bilang bahagi ng paghahanda para sa 2026 Bangsamoro Parliamentary Elections o BPE.
Kabilang dito ang 67th Infantry “Agila” Battalion na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Noe Venancio T. Baluyan Jr., na nagmula pa sa Davao Oriental.
Personal na sinalubong ni Brigadier General Gremel B. Brual, Commander ng 601st Infantry “Unifier” Brigade, ang mga bagong dating na sundalo.
Layunin ng deployment na palakasin ang seguridad at kahandaan ng mga yunit upang makatulong sa pagpapanatili ng mapayapa, ligtas, maayos at malayang halalan sa mga lugar na sakop ng Brigade.
Patuloy namang makikipag-ugnayan ang 601st Brigade sa iba pang security stakeholders para matiyak ang seguridad at kaayusan sa panahon ng Bangsamoro Parliamentary Elections.

















