Ginawaran ng Wounded Personnel Medal at binigyan ng tulong pinansyal ang dalawang sundalo ng Philippine Army na nasugatan sa engkuwentro sa Barangay Sigayan, Lambayong, Sultan Kudarat, noong Oktubre 6.
Ang mga sundalo ay sina Sergeant George P. Tusan at Corporal Gexter A. Quinco ng 23rd Mechanized Infantry Company, 2nd Mechanized Infantry Battalion, Armor Division, Philippine Army.
Kahapon Oktubre 19, personal na iginawad ni Brigadier General Ricky P. Bunayog, Acting Commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central, ang mga medalya at tulong pinansyal sa dalawa sa Camp Siongco Station Hospital.
Ayon sa ulat ng 6ID, nasugatan ang mga sundalo sa engkuwentro laban sa mga armadong grupong tinukoy ng militar bilang mga lawless elements sa ilalim ni Commander Basir.

















