Dalawang indibidwal ang naaresto sa isang anti-illegal drug operation na isinagawa noong Pebrero 3, 2026, bandang 6:20 ng gabi sa Purok 1, Rosary Heights 9, Cotabato City.

Pinangunahan ang operasyon ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Police Station 3 sa ilalim ni PCPT Al-Grahammad B. Pompong, Deputy Station Commander, at PCPT Kenneth Van A. Encabo, Station Commander, katuwang ang personnel ng 1404th Regional Mobile Force Battalion 14A sa pamumuno ni PCPT Maco P. Madriaga at ng PDEA-BARMM, kasabay ang koordinasyon ng Police Station 2, CCPO.

Kinilala ang mga naaresto bilang si “Pau”, 31 anyos, babae, self-employed, at si “RJ”, 42 anyos, lalaki, self-employed, parehong residente ng Purok 1, Rosary Heights 9, Cotabato City.

Ang operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng pulisya at PDEA laban sa ilegal na droga sa lungsod upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng komunidad.