Umarangkada na ang Joint Comelec, Police at Military Checkpoint kahapon, araw ng Linggo na siyang simula ng Election Period sa bansa.

Ang checkpoint na magkatuwang na isinasagawa ng Comelec, PNP at AFP ay bilang pagtalima sa COMELEC Gun ban sa lungsod ng Cotabato.

Nanguna sa pagmamando ng nasabing checkpoint kahapon si City PNP Director PCol. Jibin Bongcayao, ang AFP at ang City Comelec sa pangunguna naman ni City Election Officer Atty. Norpaisa Paglala Manduyog.

Photo Credits to COTABATO CITY POLICE OFFICE.

Sa naging panayam ng mga mamamahayag sa lungsod, ayon kay Atty. Manduyog na ang election period ay nagumpisa na kahapin, Enero 12 at magtatapos ng Hunyo 11, 2025. Asahan na rin aniya ang marami at mas mahigpit na PNP checkpoints sa lungsod dahil sa Gun ban.

Dagdag pa ni Atty. Manduyog, ineffective o wala nang bisa ang LTOFP at ang mga lisensya ng armas na hawak ng isang indibidual dahil kinakailangang magsadya ng isang rehistradong mayari ng baril sa COMELEC upang makakuha ng tinatawag na Certificate of Authority sa pagdadala ng armas at mga bala.

Photo Credits to COTABATO CITY POLICE OFFICE.