Nasawi ang isang estudyante matapos magpakamatay sa Purok 1, Barangay Guintolan, Imelda, Zamboanga Sibugay.

Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng problema sa relasyon ang binatilyo, na naging dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Batay sa salaysay ng mga magulang, habang natutulog na sila, nakarinig ng ingay ang ama ng biktima kaya siya ay bumangon. Laking gulat niya nang matagpuan ang kanyang anak na nakabigti sa balkonahe ng kanilang bahay.

Agad itong dinala sa pinakamalapit na pagamutan, ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Sa isinagawang imbestigasyon, walang nakitang foul play sa insidente. Kumpirmado rin ng mismong mga magulang na ang problema sa kasintahan ang posibleng nagtulak sa biktima upang wakasan ang sariling buhay.