Nabigo si Pinoy boxer Eumir Marcial sa men’s 80 kgs. sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Nakuha ng nakalaban nitong si Turabek Khabibullaev mula sa Uzbekistan ang unamous decision.

Sa unang round pa lamang ay ginamit ng Uzbekistan boxer ang kaniyang tangkad at haba ng kamay para makuha ang score mula sa limang judges.

Pinilit ng 28-anyos na si Marcial na makahabol subalit naging mailap at mabilis ang pag-iwas ng 20-anyos na Uzbekistan boxer.

Matapos ang laban ay pinasalamatan ng Pinoy boxer ang mga sumuporta sa kaniya at humingi na lamang ito ng pasensiya dahil sa nabigo siya.

Emosyonal din ito dahil sa isinantabi muna nito ang kaniyang professional boxing career para pagtuunan ang laban sa Olympics.