Kumpirmado na muling magtatapat sa ring sina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao sa inaabangang rematch sa Setyembre 13, 2026 sa The Sphere, Las Vegas, ayon sa Netflix.
Ang laban ay bahagi ng pagbabalik ni Mayweather sa professional boxing matapos ang kanyang exhibition fight laban kay Mike Tyson. Matatandaang unang nagsagupa ang dalawa noong 2015 sa “Fight of the Century,” kung saan nagwagi si Mayweather via unanimous decision.
Ngayong 2026, parehong lampas sa rurok ng kanilang karera ang dalawang boksing legend. Magdiriwang ng ika-49 kaarawan si Mayweather sa Pebrero 24, habang 47 anyos naman si Pacquiao, na huling lumaban noong nakaraang taon at nagtapos sa majority draw laban kay WBC welterweight champion Mario Barrios matapos ang apat na taong pahinga.

















