Kumpirmadong namolestiya ang isang Grade 1 pupil habang inabuso naman gamit ng kamay ang isang Grade 2 pupil na una nang napaulat na halinhinang minolestiya ng dalawang estudyante sa Grade 5 at 7 sa isang barangay sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Mismong ang Barangay Kagawad na siyang Case Officer sa kaso at may hawak ng kumite pangkababaihan at kabataan ang nagkumpirma nito batay na rin sa panayam nito sa mga magulang at resulta ng eksaminasyon o medico legal.

Base sa resulta ng medico legal examination ng mga bata, ang Grade 1 na mag-aaral ay kinakitaan ng 3 o clock, 6 o clock at 9 o clock lacerations sa pribadong pag-aari nito, samantalang ang Grade 2 na mag-aaral naman ay nakitaan ng sugat sa pribadong pag-aari nito na pinaniniwalaang galing sa daliri ng suspetsado.

Nauna nang naghinala sa mga bata ang mga magulang ng hanapin ang mga ito ngunit di sila nagpakita ngunit ng lumabas ang mga ito sa taniman ng cacao, kinompronta na nila ito at dito na nila kinwento ang kahalayan na ginawa sa kanilang pagkababae.

Batay pa sa impormasyong nakalap din ng Barangay, may isa pang kinasabwat ang dalawang suspek na binayaran nila ng limang piso para utuin ang dalawang batang babae at dalhin ito sa liblib na taniman ng cacao.

Pinaniniwalaang hindi lang ito ang unang beses na naganap ang insidente sa mga biktima. Dahil dito, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon at interbensyon ng MSWD Makilala kaugnay sa nasabing panghahalay.

Photo for illustration purposes only.