Hindi bababa sa 470 milyong piso ang kabuuang halaga ng perwisyo sa sektor ng agrikultura matapos ang malawakang pagbaha sa BARMM nitong nakaraang Hulyo.
Sa panayam kay MAFAR OIC Chief for Agriculturist Field Operations Division Bahrain Piang, pinakamalaki sa may perwisyo o danyos ang palay at mais na aabot sa 465 na milyong piso.
May kabuuan namang 15,346 na crop farmers mula Maguindanao Sur at 360 fisherfolks naman mula sa mga island provinces ang apektado ng nasabing pagbaha.
Sa pagbababoy at manukan naman, nakapagtala ang MAFAR ng P3.8 na milyon ng danyos.
Ang sektor naman ng pangingisda ay di rin nakaligtas dahil may danyos naman ito na aabot ng P2.4 na milyon.
Sa ngayon, hinaantay na lang ang dagdag na tala mula sa Isla ng Tawi-Tawi para makumpleto ang kanilang ulat.
Dahil sa lawak ng pinsala at danyos ay nagbuo ng Task Force ang ahensya para tumutok sa mga pangangailangan ng mga apektadong magsasaka sa rehiyon.
Nakiusap naman si Chief Piang sa iba pang apektado sa sektor ng agrikultura na hindi pa nakapagpatala ay maari lamang makipagusap o makipagugnayan sa kanilang mga Municipal Field Office.