Ipinadala ng Police Regional Office 13 o PRO13 ang 887 tauhan nito sa BARMM bilang dagdag-puwersa sa seguridad para sa gaganaping Parliamentary Elections sa Setyembre 14.

Isinagawa ngayong araw ng Lunes, Setyembre 7, ang send-off ceremony para sa mga tauhan sa Camp Col. Rafael C. Rodriguez sa Libertad, Butuan City bago ang kanilang deployment sa BARMM.

Sa kabuuang bilang, 490 ang itinalagang security personnel, 375 ang bubuo sa Special Electoral Board o SEB, at 22 naman ang mga driver.

I-deploy ang mga ito sa mga lugar sa Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur at Special Geographic Area o SGA.

Bago ang deployment, sumailalim sa training ang 375 tauhang itinalaga bilang SEB members para sa kanilang mga tungkulin at election security protocols.

Pangungunahan ni Police Colonel Michael B. Lozada, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 13, ang augmentation force mula PRO13.

Tutulong ang mga tauhan sa pagbabantay sa polling areas at iba pang election-related activities, gayundin sa pagtugon sa mga posibleng security concerns sa panahon ng halalan.

Dumalo rin sa send-off ceremony si Atty. Geraldine C. Samson, Assistant Regional Election Director ng Commission on Elections Caraga, bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.