Humingi ng paumanhin si Ramon Tulfo matapos niyang gamitin ang salitang “Muslim” para ilarawan ang mga suspek sa pagpatay kay Joanna Infante, isang middle-level executive ng Civil Aeronautics Aviation of the Philippines (CAAP) sa Puerto Princesa.

Ayon sa kaniya, ang paggamit niya ng termino ay isang generalization na nakakaapekto sa buong komunidad ng mga Muslim. Ipinaliwanag niya na ang kanyang intensyon ay sumusunod lamang sa police report, na naglalarawan sa isa sa mga suspek bilang Muslim at may nakalakip na larawan.

“Ang isang Muslim ay tagasunod ng Islam, isang relihiyon ng kapayapaan,” ani Tulfo sa kanyang post, kasabay ng kanyang taos-pusong paghingi ng paumanhin.

Idinagdag niya na hindi ang kanyang paghingi ng paumanhin ay bunga ng takot, at naniniwala siya na dapat panagutin ang sinumang mastermind at gunman, anuman ang kanilang relihiyon—Christian, Muslim, o Buddhist.