Php13.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang operasyon kontra-droga sa Zamboanga City noong Mayo 1, 2026, kung saan naaresto ang isang 29-anyos na lalaki na itinuturing na High-Value Individual (HVI).

Isinagawa ang operasyon sa Zone 6, San Vicente Street, Barangay Ayala. Ang suspek, na residente ng lugar at mula sa Jolo, Sulu, ay nahulihan ng humigit-kumulang 2 kilo ng ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng Php13,600,000.

Pinangunahan ang operasyon ng Regional Drug Enforcement Unit 9 kasama ang PDEA 9 at iba pang pwersa ng pulisya at militar. Narekober mula sa suspek ang dalawang vacuum-sealed plastic bag na may laman na puting kristal na pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng ZCPS 11 ang suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanya. Dinala naman sa Regional Forensic Unit 9 ang mga nakuhang ebidensya para sa pagsusuri.

Nanawagan ang PRO 9 sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.