Hypertensive diseases ang nanguna sa talaan ng sampung pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) noong Hunyo 2026, batay sa inilabas na monthly mortality report ng pagamutan.

Ayon sa ulat ng CRMC, umabot sa 35 kaso ang naitalang pagkamatay dahil sa hypertensive diseases, na siyang nanguna sa listahan.

Pumangalawa naman ang malignant neoplasm o cancer na may 23 kaso, kapantay ng bilang ng mga nasawi dahil sa transport accidents, na nagtala rin ng 23 kaso.

Nasa ikaapat na puwesto ang pneumonia na may 20 kaso, habang pumanglima ang cerebrovascular diseases na may 10 kaso.

Samantala, tig-6 na kaso ang naitala para sa glomerular and renal tubulo-interstitial diseases, respiratory distress of newborn, at diabetes mellitus.

Kasunod nito ang ischemic heart diseases na may 5 kaso, habang diseases of the digestive system ang pumuno sa ika-10 puwesto na may 4 na kaso.

Ang datos ay mula sa Health Information Management Department ng Cotabato Regional and Medical Center at nakapaloob sa kanilang Monthly Report on the Ten Leading Causes of Death para sa Hunyo 2026.