Humingi ng sorry si Kapatagan, Lanao del Sur Mayor Raida Maglangit kay Maguindanao del Norte Governor at UBJP SecGen Abdulraof Macacaua.

Ginawa ni Maglangit ang abot langit nitong pagpapaumahin sa gobernador ng sila ay magkita sa isang pulong sa Balabagan.

Kung maalala, naging malala ang pagbanat ni Mayor Maglangit sa UBJP at sinabing ginigipit sila upang suportahan ang partido. Ang naging paghingi ng sorry ng alkalde ay sinabi ni Macacua sa katatapos lang na General Assembly at Consultative Meeting ng UBJP sa Malabang, Lanao del Sur.

Ayon kay Macacaua, dapat pamarisan ng lahat ang paghingi ng tawad ni Maglangit upang di mawasak ang Bangsamoro para sa tuloy tuloy na pagbabago at asenso. Magaganap aniya naman ito kung hindi mapapalitan ang mga kasalukuyang lider ng panahalaang Bangsamoro.