Hindi nakaligtas sa pagpapatupad ng “No Parking” policy ang ilang motorista sa Cotabato City matapos silang matagpuang nakaparada sa lugar na may malinaw na pagbabawal sa pagparada ngayong Agosto 29, 2026.

Ayon sa post ni CTTMC Chief Moin Nul, ilang ulit nang pinaalalahanan ang mga motorista na huwag magparada sa naturang lugar, ngunit may ilan pa ring patuloy umanong lumalabag sa ipinapatupad na regulasyon.

Dahil dito, isinailalim sa pagtitiketa at pagkakadena ang mga motorsiklong lumabag upang matiyak ang pagbabayad ng kaukulang penalty at mabigyan ng pagkakataong mapaliwanagan ang mga driver hinggil sa kanilang paglabag.

Muntik din umanong mabangga ng ilang motorista ang mga inilagay na “No Parking” signage, na nagsisilbing malinaw na paalala sa mga driver na ipinagbabawal ang pagparada sa lugar.

Nanawagan naman ang CTTMC sa mga Cotabateneos na pairalin ang disiplina at responsibilidad sa paggamit ng kalsada at laging sumunod sa mga umiiral na batas at regulasyon sa trapiko.